“Ang Aking Guro; Ang Aking Bayani”
MANILA, PILIPINAS – Sa pagsaalang-alang sa kahalagahan ng bawat guro sa ating bansa, ang Proklamasyon Blg. 41, s. 2010 ay lalo pang pinaigting ang kamalayang Pilipino sa kahalagahan ng bokasyon and propesyong pagtuturo sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Dakilang Guro sa Pilipinas.
Ang unang Biyernes ng Setyembre hanggang ika-5 ng Oktubre ay binibigyang pugay ang mga minamahal nating mga guro at ginugunita ang kanilang walang kapantay na kuntribusyon sa paglinang at paghubog ng kaalaman at kasanayan ng mga Kabataang Pilipino sa pamamagitan ng mahusay na edukasyon. Sila ay maituturing na bayani sapagkat sila ay nagtataglay ng mas makapangyarihang sandata – ang kaalaman at malasakit para sa kanilang mga estudyante.
Kaya naman kaisa ang Professional Regulation Commission (PRC) na nagbibigay pugay at pasasalamat sa ating mga dakilang bayaning guro.
Mabuhay ang mga gurong Pilipino, saan man sa mundo!
#PRCInAction
#PRCUpdates
#PRB-PTR

